^

Police Metro

1-buwang MECQ sa Meto Manila ipinaubaya sa IATF

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinaubaya na ng Malacañang sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagtugon sa suhestyon na gawing isang buwan ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Mega Manila at apat na lalawigan na magtatapos sa Agosto 18.

Ginawa ni Presidential spokesperson Harry Roque ang pahayag matapos mapaulat ang pahayag ni House Committee on Health chairwoman Quezon Rep. Angelina Tan na hindi sapat ang dalawang linggong “timeout” na ibinigay para sa medical community.

Sinabi rin ni Roque na ang epekto ng dalawang linggong MECQ ay mararamdaman pa lamang pagkatapos ng dalawa o tatlong linggo simula nang ipatupad ito.

Ipinunto pa ni Roque ang sinasabi ng mga health experts na 14 na araw ang incubation period ng COVID-19 kaya kailangang maghintay upang makita ang resulta ng MECQ.

vuukle comment

IATF

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with