NCR handa ng ibalik sa GCQ â Lorenzana
Nag-hired ang Quezon City government ng mga contact tracers upang makatulong para mapigilan ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng pagkuha ng mga impormasyon.
Boy Santos
NCR handa ng ibalik sa GCQ — Lorenzana
Doris Franche (Pang-masa) - August 11, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handa na ang Metro Manila para sa General Community Quarantine pagkatapos ng Agosto 18.

Ito ang paniniwala ni Defense Secretary at National Task Force against COVID-19 chairman Sec. Delfin Lorenzana  bunsod ng  pagbaba ng trend sa mga bagong kaso ng CoVid-19 sa mga nagdaang araw.

Sinabi ni Lorenzana na bumaba na umano sa 3,000 ang bagong kaso kumpara sa 6,000 noong nakaraan kaya’t handa na umanong ibaba ang MECQ sa GCQ dahil alam na kung saang area may infection.

Ito lamang umano ang  kanilang tututukan upang makabalik na sa trabaho ang mga tao.

Sa inilabas kamakalawa na datos ng DOH, may kabuuang 129,913 kaso na ng COVID-19 sa Pilipinas na may 67,673 gumaling at 2,270 namatay.

DELFIN LORENZANA GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with