^

Police Metro

Duterte ibinigay ang P5 bilyong dagdag-pondo sa OFWs

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglabas ng P5 bilyong pondo para sa repatriation at tulong sa mga overseas Filipino worker na apektado ng COVID-19 pandemic.

Ito ay makaraang ihayag ni Bello III na halos naubos na ang P2.5 bilyong pondo para sa programang “Abot Kaya ang Pagtulong (AKAP)” na ibinibigay sa mga OFWs na nasa bansa na at sa mga dumarating pa.

Bukod sa gastusin sa biyahe ng mga OFWs, gagastusin rin ang dagdag na pondo sa ibinibigay na isahang-beses na P10,000 cash aid sa mga OFWs sa ilalim ng AKAP.

Ang malaking bahagi ng bagong pondo ay ibibigay sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na siyang namamahala sa repatriation ng OFWs na apektado at nawalan ng trabaho sa ibang bansa dahil sa pandemya.

vuukle comment

OFW

SILVESTRE BELLO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with