^

Police Metro

7-araw lockdown ipatutupad sa San Jose del Monte City

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipatutupad ang pitong araw na total lockdown sa buong siyudad ng San Jose del Monte, dito sa lalawigan simula sa Lunes, Agosto 10.

Ito ang inihayag ni Mayor Arthur Robes ng CSJDM kasunod ng ginanap na pulong kasama ang mga opisyal ng lungsod kahapon.

Ayon kay Robes, tanging mga doktor at health care workers lamang ang papayagang makapasok sa nasabing lungsod simula alas-12 ng hatinggabi ng Lunes.

Ang mga taga-lungsod na nagtatrabaho sa Metro Manila at karatig na lugar na nasa labas ng San Jose del Monte ay pinapayuhan na maghanap ng pansamantalang matutuluyan dahil hindi na sila papayagang makapasok muli sa lungsod kapag sila ay lumabas habang umiiral ang lockdown.

Sinabi pa ni Robes na gagawing mas mahigpit ang pagbabantay ng mga militar at frontliners sa mga walong inilatag na designated checkpoints.

vuukle comment

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with