^

Police Metro

Trabaho sa ‘mobile learning hub’ alok ni Mayor Abby sa mga guro

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nag-aalok si Makati Mayor Abby Binay ng trabaho sa ilalim ng kanilang “Mobile Learning Hub Project” para sa mga guro na kasaluku­yang walang trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Mayor Binay, naghahanap sila ng mga guro, teacher assistants o aides, at tutors para sa nasabing bagong Makati Mobile Learning Hub Project, isang makabagong educational platform na magsusulong ng patuloy na edukasyon ng mga kabataan ng lungsod sa kabila ng pandemya.

Ayon sa alkalde, pupunta ang mobile learning hubs sa iba’t ibang lugar sa lungsod sa pagbubukas ng klase upang tulungan ang mga mag-aaral at kanilang mga magulang na makasabay sa bagong pamamaraang “blended learning”.

Aniya, ang panguna­hing pakay nito ay ang mga mag-aaral na walang gadget o anumang learning tool, at mga magulang na mahihirapang gabayan at turuan ang kanilang mga anak gamit ang self-directed learning modules.

Hinimok ng alkalde ang professional educators, tutors at parateachers na mag-apply na gamit ang link na bit.ly/GuroDyipniMaki. Ang lungsod ay tatanggap ng applications hanggang August 15.

Kabilang sa qualifications ang pagiging gra­duate ng B.S. Education o iba pang related courses sa Mathematics, Science, Filipino, at English; kung board passer, valid PRC o Professional License for Teachers. Kailangan ding handang maitalaga sa mga barangay sa Makati.

vuukle comment

ABBY BINAY

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with