^

Police Metro

MECQ gawing ‘one time, big time lockdown’

Ludy Bermudo - Pang-masa
MECQ gawing �one time, big time lockdown�
Mahigpit ang isinasaga­wang pagpapatrolya ng mga armadong miyembro ng Philippine Coast Guard sa mga kabahayan sa Baseco Compound sa Tondo, Manila upang matiyak na masusunod ng mga residente ang ipinatutupad na modified enhanced community quarantine (MECQ) guidelines.
KJ Rosales

Isagad na ng 1-buwan – Dr. Leachon

MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ng da­ting adviser ng Task Force on COVID-19 na kaila­ngan nang magpatupad ng “one time, big time lockdown” o isagad na sa isang buwan ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Mega Manila para magtuluy-tuloy na ang pagsisikap ng pamahalaan na mapababa ang bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Kung talagang MECQ ang gusto nila, isagad nila ng isang buwan tapos i-build up na ‘yung health care capacity. Magpa-flatten tayo ng curve,” pahayag ni Dr. Tony Leachon.

Sinabi ni Leachon na dapat ay walang “gap” kaya kung sagarin na ang lockdown ay pagkakataon na para ihanda ang publiko sa inaasahang pagdating sa Disyembre ng COVID-19 vaccine na may time frame na 3 buwan.

“Ngayon pa lang tayo umaarangkada sa health care capacity so one time, big time, and then darating ang bakuna ng Disyembre, tamang-tama kasi ang mga countries sa mundo 3-buwan nilang na-flatten ang curve, ‘yun ang timeframe,” paliwanag ni Leachon.

Naniniwala si Leachon na may local transmission dahil sa kabila ng pagtaas ng testing rate, nasa 11.9 porsyento ang nagpoposi­tibo. Inihalimbawa niya ang Cebu na dating may 33 porsyentong positivity noong Hunyo na matapos isailalim sa ECQ ay buma­ba sa 7 porsyento.

vuukle comment

COVID-19

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with