^

Police Metro

Police Colonel dinakip sa carnap vehicle

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na nakapalag pa ang isang police official nang arestuhin ito ng pinagsanib na elemento ng PNP-Integrity Monitoring Enforcement Group (PNP-IMEG) at ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa aktong gumagamit ng kinarnap na behikulo sa operasyon sa San Mateo, Rizal, kamakalawa.

Ang nasakoteng suspect ay kinilalang si Police Lt. Col. Renato Banas Castillo, 46, nakatalaga sa NCRPO Regional Headquarters at nakatira sa Block 17, Lot 8, Phase 4B, Tierra Monte, Brgy. Silangan, San Mateo, Rizal.

Sa ulat, alas-6:30 ng gabi nang arestuhin ng mga operatiba si Castillo sa isinagawang anti-carnapping operation sa kahabaan ng Brgy. Silangan Road, Barangay Silangan ng bayang ito matapos ang serye ng surveillance at Intelligence operation na sinimulan noong Hulyo 17, 2020 hinggil sa impormasyon sa paggamit ng suspect ng karnap na behikulo.

Hindi na nakapalag si Castillo matapos ares­tuhin habang minamaneho ang isang kulay pulang Toyota Innova na may plakang WKO-650 na iniulat na kinarnap habang nakaparada sa Magnolia St. Roxas District, Quezon City noong Agosto 5, 2014 na inireport ng may-aring si Jonnel Sangalang.

Nang madakip ang suspect gamit ang nasabing sasakyan ay iba na ang plate number nito sa orihinal na plaka dahil ang nakalagay na plaka ng sasakyan ay AAM-3350 na orihinal na plaka ng isang Isuzu DMAX na SUV.

Agad dinisarmahan ang pulis sa kanyang service firearm nito na may magazine 11 bala at cellphone na nasa kustodya ng PNP-IMEG sa Camp Crame at inihahanda na ang kasong criminal.

vuukle comment

CARNAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with