Family driver huli sa P2.5 milyong shabu
MANILA, Philippines — Isang 25-anyos na driver/mechanic ang naaresto sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Makati police sa Brgy. San Isidro, Makati City.
Ang suspek ay kinilalang si Edward Sayson y Fernandez, residente ng No. 2617 Rocketfeller, Brgy. San Isidro, Makati City.
Sa ulat, alas-6:40 ng gabi ng Agosto 5, 2020 nang isagawa ang buy-bust operation laban sa suspek ng pinagsanib na pwersa ng Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) at Intelligence Section ng Makati City Police sa bahay ng suspek na kung saan ay nakabili ng P50,000.00 halaga ng shabu ang isa sa operatiba bago sinalakay ang bahay. Nasamsam ang nasa 7 plastic sachet ng shabu na may kabuuang 375.38 gramo na may katumbas na halagang P2,555,584.00.; timbangan, sling bag, at ang ginamit na marked money na may halong boodle money, cellphone, susi ng kotse.
- Latest