Media Center sa Kamara ikakandado
MANILA, Philippines — Ikakandado muna ang media center sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahilan sa tumataas na kaso ng COVID 19 na pumalo na sa 36 positibong kaso.
Ito ang sinabi ni Dra. Celine Marie Buencamino , Director II Media Affairs Service Press and Public Affairs Bureau ng Kamara bilang pagtalima sa health protocols maging ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan ay pansamantalang isinailalim din sa lockdown ang kanilang mga media centers.
Sa pinakahuling tala, sinabi naman ni House Secretary General Atty. Jose Luis Montales na dalawa pa sa mga empleyado ng Kamara ang nagpositibo sa COVID 19 na ika-35 at ika-36 kaso.
- Latest