Social media control ‘di target sa Anti-Terror Law
Joy Cantos, Malou Escudero (Pang-masa) - August 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Walang nakapaloob na probisyon sa Anti-Terror Law na magiging daan upang makontrol ang social media”.

Ito ang tiniyak kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ilutang ni Armed Forces of the Philippines chief Lieutenant General Gilbert Gapay na isama sa implementing rules and regulations (IRR) ng batas ang pag-regulate sa social media dahil sa paniniwala nito na nagagamit  ng mga terorista ang social media para sa kanilang ilegal na gawain.

Nilinaw ni Roque na opinyon lang ito ni Gapay, pero walang probisyon ang batas na magagamit para i-regulate ang social media at ang cybercrime law ang may probisyon tungkol sa social media pero kailangan pa ring dumaan sa hukuman.

Maging si Lone District Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon, Chairperson ng Committee on National Defense and Security ay naglinaw na hindi target sa ATL ng pamahalaan ang pagkontrol sa social media na ginagamit ng mga terorista sa kanilang propaganda kaugnay ng paghahasik ng terorismo.

At para isingit ang pag-regulate sa social media sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ay salungat na ito sa tunay na hangarin ng nasabing batas.

ANTI-TERROR LAW SOCIAL MEDIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with