^

Police Metro

‘Dagdag-scheme’ sa mga brownout paninira lang — More Power

Pang-masa

MANILA, Philippines — Inakusahan nang pagmamanipula ng mga numero sa insidente ng naranasang power outrages sa Iloilo City para palabasin umano sa Energy Regulatory Commission (ERC) na nagkukulang ito at hindi karapat-dapat bilang power supplier ng Iloilo City.

Ito ang naging buwelta ng bagong distribution uti­lity na More Electric and Power Corp (More Power) sa Panay Electric Company (PECO) na isa umanong malinaw na paninira nang sabihin nito na sa pagitan ng Pebrero 29 hanggang Hul­yo 16, 2020 ay umabot sa 412.20 oras ang naranasang brownout sa Iloilo City gayong sa tunay na datos umano ay umabot lamang sa kabuuang  182.13 oras ang power interruption.

Ayon kay More Power Spokesperson Jonathan Cabrera na higit sa kalahati ng power interruption ay pawang nakaiskedyul at may abiso sa mga maapek­tuhang consumer bilang pagbibigay daan sa gaga­wing pagkukumpuni.

Sinabi pa ni Cabrera na hindi sila papayag sa dagdag-scheme ng PECO kung saan dinagdagan ng 230 oras ang haba ng brownout na pawang kasinungalingan at naglalayon lamang na si­raan sila sa ERC at sa mata ng mga Iloilo consumers.

Nilinaw pa ni Cabrera na hindi lahat ng naranasang power interruption ay galing sa More Power bagkus may mga unscheduled outrages na nangyayari resulta naman ng problema sa linya ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) o sa ibang generator, force majeure at mula sa depektibong equipment ng PECO na minana ng More Power gaya ng primary wire down, neutral wire down, sagging primary at neutral wires; broken cross-arms; busted fuse; damaged pin insulators at iba pa.

vuukle comment

BROWNOUT

ERC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with