^

Police Metro

Plastic barriers sa PUV, tanggalin

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — ‘Maaari pa umano itong maging dahilan ng pagkalat ng virus ang pag­lalagay ng mga plastic barriers na nagsisilbing harang sa loob ng mga public utility vehicle at dapat itong tanggalin’.

Ito ang pakiusap ni Philippine College of Physicians president Mario Panaligan sa mga otoridad dahil mas madaling makontamina at mahihirapan ang mga drayber na mag-disinfect kada-pagbaba ng mga pasahero.

“Huwag na mag-plastic. Kung hahawak man sila (pasahero) sa mga handles, sa mga kailangan for support, then magdala sila ng alcohol, mag-hand cleaning na agad sila and avoid touching their face,” ani Panaligan.

Inirekomenda rin  ng Healthcare Professions Alliance Against COVID-19, spokesperson Dr. Antonio Dans na itago na lamang ang mga rapid test kits dahil sa hindi naman umano ‘accurate’ o tama ang resulta nito. May abiso na umano ang World Health Organization (WHO) na sa 10 tao na may taglay na virus ay lima ang hindi nito mahahanap.

Nanawagan si Dans sa mga pribadong kumpanya at mga lokal na pamahalaan na gumamit na lamang ng swab tests na matagal nang sinasabi ng Department of Health (DOH) na ‘gold standard’ sa COVID testing.

vuukle comment

PUBLIC UTILITY VEHICLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with