^

Police Metro

Public transpo ‘di papayagan sa MECQ

Mer Layson, Malou Escudero - Pang-masa
Public transpo �di papayagan sa MECQ
Ititigil rin munang muli ang pagbiyahe ng mga bus, jeep, taxi, TNVS, at mga tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2), gayundin ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Philippine National Railways (PNR).
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Simula ngayong araw hanggang Agosto 18 ay hindi muna papayagan na bumiyahe ang mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila at sa 4 karatig lalawigan matapos na isinailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ito ang inianunsyo ng Department of Transportation (DOTr) at bukod sa Metro Manila ay bawal din bumiyahe ang public transport sa Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal at tanging ang mga public shuttle para sa frontline workers ang papayagang bumiyahe.

Ititigil rin munang muli ang pagbiyahe ng mga bus, jeep, taxi, TNVS, at mga tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2), gayundin ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Philippine National Railways (PNR).

Maging ang biyahe ng mga tricycle ay bawal din muna ngunit papayagan ang pagkakaroon ng exceptions sa ilalim ng guidelines na itinakda ng Department of Interior and Local Government (DILG at local government units (LGUs).

Para naman sa private transport, ang mga company shuttle ay papayagang bumiyahe pero 50% ng capacity lamang dapat ang sakay. Maaari rin namang bumiyahe ang mga pribadong sasakyan.

Dagdag pa ng DOTr tanging mga authorized persons outside of residence (APOR) lamang na may proper ID ang papayagang maglakbay sa city limits.

Ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon na isailalim ang nasabing mga lugar base sa rekomendasyon ni Health Secretary Francisco Duque III matapos umapela ang medical community na nahihirapan na sa dami ng mga tinatamaan ng COVID-19 araw-araw.  

vuukle comment

PUBLIC TRANSPORTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with