^

Police Metro

Operasyon ng Lotto draw napurnada

Mer Layson - Pang-masa
Operasyon ng Lotto draw napurnada
Batay sa inilabas na opisyal na pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sinabi nito na bukod sa pagpapaliban ng pagbabalik ng limi­tadong operasyon ng lotto ay suspendido rin muna ang operasyon ng instant sweepstakes at online Keno sa mga nasabing lugar mula ngayong Agosto 4 ng hatinggabi hanggang sa Agosto 18.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Napurnada ang pagbabalik-operasyon ng Lotto ngayong araw matapos na isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila at 4 na lalawigan.

Batay sa inilabas na opisyal na pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sinabi nito na bukod sa pagpapaliban ng pagbabalik ng limi­tadong operasyon ng lotto ay suspendido rin muna ang operasyon ng instant sweepstakes at online Keno sa mga nasabing lugar mula ngayong Agosto 4 ng hatinggabi hanggang sa Agosto 18.

Una rito, humingi ng ‘time-out’ ng dalawang linggo ang mga healthcare worker dahil sa lumolobo ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ating bansa.

Matatandaan na inanunsiyo ni PCSO General Manager Royina Garma ang pagbabalik-operasyon na sana ngayong Agosto 4 ng limitadong operasyon ng lotto, kabilang ang Lotto 6/42 at MegaLotto 6/45 games, sa mga lugar na nasa ilalim na ng gene­ral community quarantine (GCQ) at modified GCQ (MGCQ).

Nagbalik na rin naman ang operasyon ng instant sweepstakes noong Hulyo 20 at maging ng online Keno na sinimulan noong Hulyo 28.

vuukle comment

MECQ

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with