7 pamilya sa Bulacan tinamaan ng COVID-19
Omar Padilla (Pang-masa) - August 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Bucalan Provincial Health Office na pitong miyembro ng pamilya, kasama ang tatlong menor-de-edad na may edad na 3, 7 at 9 ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa Bulacan.

Ang pitong miyembro ng pamilya ay pawang nakatira sa iisang bahay sa Sta. Cruz Village, Brgy. Borol 1st, Balagtas, Bulacan.

Si COVID-19 patient #47 ng Balagtas ay isang 69-anyos na lalaki, si patient # 48 ay 40-anyos na lalaki at si patient # 49 ay 20-anyos na babae.

Nabatid na si patient #43 ay kamag-anak ng mga nahawang pamilya at kasama nila sa iisang bahay.

Ang pitong miyembro ng pamilya ay pawang naka-isolate na at naka-home quarantine ng dalawang linggo.

Ayon kay Brgy. Capt. Jojo Cruz, nagpa-swab test ang nasabing pamilya noong Hulyo 27 matapos na magpositibo si patient #43 sa nasabing virus. Lumabas ang resulta ng swab test noong Hulyo 30 at lahat sila ay nagpositibo.

Pinababantayan naman ni Bulacan Gov. Daniel Fernando kay Cruz ang nasabing pamilya upang matiyak na hindi makalalabas ng bahay upang hindi na makapanghawa.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with