Rep. Hataman at misis, 2 pang staff ni Cayetano positibo sa COVID-19
Joy Cantos (Pang-masa) - August 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inamin kahapon ni Basilan Rep. Mujiv Hataman na positibo siya sa COVID-19 at kanyang maybahay.

“Nitong nakaraang Huwebes, dahil sa inakala naming karaniwang ubo, nagpasya kami ng maybahay kong si Mayor Dadah na magpa-test para sa COVID-19. Bumalik na ang resulta. Positive kami pareho.

Hinihintay din namin ang resulta ng mga test sa aming mga anak at sa lahat ng kasama namin sa bahay dito sa Basilan,” pahayag ni Hataman.

Sinabi ni Hataman na kasalukuyan na silang naka-quarantine ng kanyang misis at gumagawa na rin sila ng mga hakbang upang maging ligtas ang kanilang tahanan. Nagpatupad na aniya sila ng mas mahigpit na health protocols para ma-contain ang virus at masiguradong hindi na tumawid pa palabas sa kanilang pamilya ang sakit.

Inanunsyo rin ni House Secretary Gene­ral Atty. Jose Luis Montales na dalawang staff ni Speaker Alan Peter Cayetano ang nagpositibo rin sa COVID-19.

“Two (2) employees assigned at the Office of the Speaker tested positive for COVID-19. Both last reported for work on July 16 and got tested on July 25 after experien­cing some symptoms,” ayon kay Montales.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with