Bagyong ‘Dindo’ pasok na sa PAR
Angie dela Cruz (Pang-masa) - August 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pumasok na kahapon sa Philippine area of responsibility (PAR) ang dating low pressure area (LPA) na namataan sa labas ng bansa matapos itong maging ganap na bagyo na tinawang na “Dindo”.

Sa ulat ng PAGASA, alas-10 ng umaga kahapon, ang sentro ni bagyong Dindo ay namataan sa layong 825 kilometro ng silangan ng Tuguegarao City, Cagayan at patuloy ang pagkilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras.

Taglay ni Dindo ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 70 kilometro kada oras. Magdudulot ito ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa buong Luzon, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula.

Dahil sa ulan na dala ni Dindo, may mga pagbaha at posibleng landslides na maranasan sa naturang mga lugar kayat pinag-iingat ang mga residente. Hindi naman pinapayagan ang mga maliliit na bangka na maglayag sa mga baybayin sa naturang mga lugar dahil sa malalaking alon.

Ngayong linggo, nasa layong 460 kilometro ng hilagang silangan ng Basco Batanes ang bagyong Dindo pero lalabas na sa Lunes.

LPA PAGASA PAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with