Hindi muna tinukoy ni Major Gen. Corleto Vinluan, commander ng Joint Task Force (JTF) Sulu, pasado alas-11 ng tanghali habang nagsasagawa ng security patrol sa liblib na lugar ng Brgy. Taong sa Patikul, Sulu ang tropa ng militar nang masabat nila ang mga miyembro ng ASG hanggang sa magkaengkuwentro sanhi upang mapaslang ang anim na bandidao pero tatlong sundalo ang nalagas na hindi pa pina­ngalanan habang tatlo pang kasamang sundalo ang nasugatan na ginagamot na sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital.
AFP FB Page
7 rebelde, 5 sundalo utas sa engkuwentro
Jorge Hallare, Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - August 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Anim na hinihina­laang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG), limang sundalo at isa pang amazona ang patay habang tatlo pa sa tropa ng gobyerno ang nasugatan matapos ang magkahiwalay na engkuwentro sa Sulu at Sorsogon kasabay ng pagdiriwang ng Eid al-Adha o “Feast of Sacrifice” ng mga kapatid na Muslim nitong Biyernes.

Hindi muna tinukoy ni Major Gen. Corleto Vinluan, commander ng Joint Task Force (JTF) Sulu, pasado alas-11 ng tanghali habang nagsasagawa ng security patrol sa liblib na lugar ng Brgy. Taong sa Patikul, Sulu ang tropa ng militar nang masabat nila ang mga miyembro ng ASG hanggang sa magkaengkuwentro sanhi upang mapaslang ang anim na bandidao pero tatlong sundalo ang nalagas na hindi pa pina­ngalanan habang tatlo pang kasamang sundalo ang nasugatan na ginagamot na sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital.

Samantala, patay rin ang dalawang sundalo na sina Cpl. Arnel Divinagracia, 30, binata ng Brgy. Pinamaniguihan, Ligao City, Albay at Pfc. Greyan Andus, 27, binata ng Brgy. Modern, Pili, Camarines Sur; kapwa kasapi ng 22nd Infantry Battalion ng Philip­pine Army at isang ‘di pa kilalang babaeng kasapi ng New People’s Army (NPA) matapos ang engkuwentro sa Brgy. Daganas sa Bulan, Sorsogon dakong alas-5:28 ng hapon.

Ang napaslang na ama­zona ay kasapi umano ng Komiteng Probinsya 3 ng Bicol Regional Party Committee na pi­namumunuan ng isang Arnel Estiller alyas “Ka Mando”.

Naganap ang engkuwentro habang nagsasagawa ng security patrol operation ang mga sundalo mula sa 22nd-IB at 31st-IB ng 9th Infantry Division, PA sa pangu­nguna ni 1st. Lt. Jonathan Baay nang makasagupa nila ang mga rebelde na tumagal ng 45 minuto sa Brgy. Daganas, Dulan.

ABU SAYYAF GROUP EID AL-ADHA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with