Aniya, nakasaad na sa House Resolution 6865 on PCR Testing ang listahan ng mga vulnerable sectors na dapat bigyan ng prayoridad sa free vaccines pero dapat ay i-minus dito ang mga government officials na may salary grade na 24 pataas.
AFP/Joel Saget
Government official’s huwag ilibre sa bakuna
Joy Cantos (Pang-masa) - August 2, 2020 - 12:00am

‘No VIP treatment’ pairalin - Solon

MANILA, Philippines — Iginiit ng isang mam­babatas na pairalin ang “no VIP treatment” at huwag nang isama ang sinumang opisyal ng gobyerno at kanilang pamilya sa “free vaccine” para sa CO­VID-19  na nakalaan para sa 20 milyong Pilipino.

Sinabi ni 1st District Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun na nga­yon pa lamang ay mabu­ting magkaliwanagan na kung sino ang mga dapat makinabang sa free vaccine kontra COVID.

Aniya, hindi na dapat pang magpalibre ng bakuna ang mga opisyal ng gobyerno, elected man o appointed at maging ang mga career officials na may ranggong division chief pataas hanggang sa Pangulo.

 “Personal na gastos dapat nila ang kanilang COVID-19 vaccine. Matataas ang kanilang suweldo at income, so kaya nilang magpabakuna sa pribadong sektor gamit ang sariling pera,” pahayag ng mambabatas.

Iginiit ni Fortun na puro mahihirap ang mga barangay health workers na kabilang vulnerable sectors kaya dapat silang mapasama sa 20 milyong Pilipino na maturukan ng libreng bakuna.

Aniya, nakasaad na sa House Resolution 6865 on PCR Testing ang listahan ng mga vulnerable sectors na dapat bigyan ng prayoridad sa free vaccines pero dapat ay i-minus dito ang mga government officials na may salary grade na 24 pataas.

COVID-19 VACCINE VIP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with