^

Suspensyon ng MRT-3 weekend ops iniusod

Mer Layson (Pang-masa) - July 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iniusod ng pamunuan ng Metro Rail Transit 3 ang nakatakdang weekend suspension ng kanilang ope­rasyon para sa pagpapalit ng mga riles.

Ayon sa abiso ng MRT-3, ang weekend suspension ay ginawa nang October 10-11, October 31, November 1-2 at November 14-15 na mula sa dating sche­dule na August 8-9, August 21-23, at September 12-13.

Sinabi ng MRT-3 na ang pagbabago ay batay sa rekomendasyon ng maintenance provider na Sumitomo-MHI-TESP.

Ginagawa ang weekend suspension para maipagpa­tu­loy ang rail replacement works sa buong linya ng MRT-3.

Tiniyak naman na ang naturang re-scheduling ay hindi makakaapekto sa target completion ng rail replacement sa katapusan ng Setyembre 2020, gayundin sa planong pagdadagdag ng train speed na 40kph sa Oktubre, 50kph sa Nobyembre at 60kph sa Disyembre 2020.

MRT3
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with