^

Police Metro

600 miyembro ng Coast Guard positibo sa COVID-19

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 600 miyembro ng Philippine Coast Guard ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) habang patuloy ang kanilang serbisyo sa paghahatid sa mga LSI (locally stranded individuals) at mga dumarating na overseas Filipino workers (OFWs) sa kani-kanilang mga probinsya.

Agad na ipinull-out sa kanilang mga istasyon ang naturang mga tauhan at binigyan ng angkop na medikal na atensyon. Isinasailalim naman sa monitoring ang mga tauhan na nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Nabatid naman na 45 ang mga bagong gumaling sa sakit at nakatapos na ng quarantine days para umakyat ang kabuuang bilang ng recoveries sa PCG sa 303.

Tiniyak ng PCG ang regular na pagsasagawa ng ‘swab testing’ sa kanilang mga tauhan na frontliners at sinusuplayan ng sapat na bitamina, PPE sets at mga medical supplies para maayos na magampanan ang kanilang mga tungkulin.

COAST GUARD

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with