Quezon City encounter: 2 holdaper todas sa mga pulis
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director P/BGen. Ronnie Montejo, inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng mga suspek na inilarawang nakasuot ng itim na t-shirt, asul na short pants at pula at gray na caps.
STAR/File
Quezon City encounter: 2 holdaper todas sa mga pulis
Mer Layson (Pang-masa) - July 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang lalaki na hinihinalang holdaper matapos na makaengkuwentro ng mga pulis sa Brgy. Pa­yatas, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director P/BGen. Ronnie Montejo, inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng mga suspek na inilarawang nakasuot ng itim na t-shirt, asul na short pants at pula at gray na caps.

Bago ang engkwentro, isang taxi driver na si Roylan Benito, 54, ng San Fernando, Pampanga ang nagsumbong sa Batasan Police Station (PS 6) na siya at iba pang biktima ay hinoldap ng tatlong armadong suspek na sakay ng tatlong motorsiklo sa J.P Rizal St., Brgy. Bagong Silangan, Quezon City. 

Agad nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad, base sa deskripsiyon na ibinigay ng biktima, at natiyempuhan ang mga suspek na patungo sa direksiyon ng Brgy. Payatas. Sinita nila ang tatlo at pinahihinto pero humarurot patungo sa direksiyon ng Lower Molave St., Brgy. Payatas. Nagbunot din ng baril ang mga ito at nagpaputok sa direksiyon ng mga humahabol na pulis.

Dito na gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang suspek ngunit nakatakas ang isa nilang kasama.

HOLDAPER SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with