^

Police Metro

Mag-lover niratrat ng selosong lolo

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang mister habang ang live-in partner nito ay nasa kritikal na kalagayan matapos na sila ay pagbabarilin ng  isang 71-anyos na ex-lover ng huli naganap kamakalawa ng hapon sa Brgy. Gaya-gaya, San Jose del Monte City, Bulacan.

Namatay habang dinadala sa ospital ang biktimang si Elizalde Causino,36 habang nasa kritikal na kondis­yon ang lover nitong si Letty Arquilla, 54 at Elizalde Causino, 36 kapwa residente ng nasabing barangay.

Nasawi rin ang suspek na si Ezekiel Quiambao,71 matapos magbaril sa ulo nang inakala niyang napatay niya ang mag-lover.

Sa insiyal na imbestigasyon, alas-3:40 ng hapon nang puntahan ng suspek ang bahay ng anak ng dating lover na si Arquilla upang kausapin at dito kanyang naabutan nito na kausap ang bagong lover na si Causino at nagselos.

Dito ay kinuha ng suspek ang baril at pinagbabaril ang dalawa hanggang sa duguang bumulagta ang mga ito at pagkatapos ay binaril din nito ang sarili na agad niyang ikinamatay.

Ang mag-lover ay isinugod sa Sapang Palay District Hospital, subalit namatay din si Causino habang nasa kritikal na kondisyon si Arquilla.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with