^

Police Metro

Late enrollees, tatanggapin hanggang sa Setyembre - DepEd

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy pa rin silang tatanggap ng mga late enrollees para sa School Year 2020-2021 hanggang buwan ng Setyembre kahit pa tapos na ang araw ng enrollment.

Ito ang tiniyak ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Jesus Mateo kasunod nang pagtatapos  ng enrollment period nitong Hulyo 15.

Ayon kay Mateo, hindi na kinakailangan pang i-extend ang enrollment period dahil tatanggapin pa rin naman sa mga paaralan ang mga late enrollees, alinsunod sa Department Order 13 Series of 2018.

Base sa datos ng DepEd, hanggang alas-5:30 ng hapon nitong Hulyo 15 ay umabot na sa 20.7 milyon ang mga estudyanteng nagpatala sa public at private schools na mas mababa kumpara sa mahigit 27 milyong mag-aaral na nagpatala sa paaralan noong SY 2019-2020.

Nakatakdang magbukas ang klase sa pampublikong paaralan sa Agosto 24 kung saan iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo ang gagawin, tulad ng blended learning, dahil hindi pa pinapayagan ang tradisyunal na face-to-face learning sa panahon ng pandemya.

Related video:

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with