OJT, internship atbp., ililipat sa 2nd sem - CHED
MANILA, Philippines — “Uutusan natin ‘yung mga universities na lahat nung subjects na may lab, OJT, internship et cetera, i-reschedule nila sa second semester.”
Ito ang sinabi ni Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero De Vera kay Pangulong Rodrigo Duterte upang maiwasan na magkaroon ng face-to-face na interaksiyon ang mga estudyante.
“So sa first sem ang ituturo lang lahat nung mga klase na regular na puwedeng lectures --- theoretical doon sa first sem. Imo-move natin sa second semester ‘yung kailangang pupunta,” ani De Vera.
Idinagdag ni De Vera na naghihintay pa rin ng abiso ang mga pribadong eskuwelahan mula sa mga local government units lalo na yong walang internet connection ang lugar.
Iniulat din ni De Vera na may ilang eskuwelahan na ang nagsabi na sila’y magsasara dahil masyadong bumaba ang enrollement dahil natatakot ang mga magulang at estudyante sa COVID-19 pero sa ngayon ay wala pa silang polisiya tungkol sa pagsasara ng mga eskuwelahan.
Tiniyak naman ni Education Sec. Leonor Briones na tuloy ang pagbubukas ng klase sa Agusto 24.
- Latest