Enrollment bumagsak sa higit 25%
MANILA, Philippines — Batay sa Department of Education (DepEd) ay bumagsak sa halos 25% mula sa datos noong 2019 ang enrollment mula kindergarten hanggang senior high school para sa school year 2020-2021.
Pinakamalaki naman ang pagbulusok sa mga nagpatala sa pribadong paaralan kung saan halos 300,000 ang lumipat sa pampublikong paaralan.
Sa datos, 19.14 milyong public school students at 1.5 milyong private school students kasama na ang alternative learners at persons with disabilities ang nakapag-enroll.
May kabuuang 20.22 milyon ang kabuuang nakapagpatala na 72.7 percent lamang ng 2019-2020 enrollment figure.
“The drop is due to the pandemic,” wika ni Education Undersecretary Jesus Mateo sa 27.3-percent decline sa national enrollments.
- Latest