^

Police Metro

Malaking pondo kailangan ng DFA sa stranded OFWs

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para mapauwi ang mga OFW na stranded sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay kailangan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng mas malaking pondo.

Ito ang inanunsyo ni DFA Undersecretary Sara Arriola at idinaing din nito ang dumaraing Pinoy na infected ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Batay aniya sa datos nitong July 13, nasa 8,869 OFWs ang nadagit ng virus habang ang 6,423, nito ay mula sa Middle East.

“We are alarmed because our people abroad are not only infected but they are dying,” lahad pa ni Arriola.

Giit ng DFA, posibleng hanggang gitna na lang ng August ang kanilang pondo.

Batay pa kay Arriola, buhat noong June 26 ay 27,777 na rin ang napauwi ng DFA.

Maging si Senate President pro-tempore Ralph Recto ay sumang-ayon sa sinabi ni Arriola para sa pagtulong sa mga distressed na mga Filipino sa ibat ibang bansa.

Ngayong taon ay P1 bilyon ang pondo ng DFA para sa tinatawang na assistance to nationals na pantulong sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasa ibang mga bansa na nagkakaproblema at humihingi ng tulong sa gobyerno para makauwi.

Subalit sa ngayon ay P300 milyon na lamang umano ang natitira dahil sa dami ng inilikas ng gobyerno nitong magkaroon ng COVID-19 pandemic.

vuukle comment

DFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with