Quezon City Hall legislative building isinara: 3 konsehal, 7 staff may COVID-19
Angie dela Cruz (Pang-masa) - July 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinailalim sa lockdown ang legislative branch sa Quezon City Hall matapos na magpositibo sa COVID-19 ang tatlong konsehal at pitong office staff.

Ito ang inihayag ni QC Vice Mayor Gian Sotto, subalit tumanggi naman itong pangalanan ang mga indibidwal na nahawaan ng naturang sakit.

Ayon kay Sotto, na siyang  City Council Presiding Officer, ang pansamantalang pagpapasara sa legislative building ay tatagal ng limang araw simula July 15 hanggang July 19 o hanggang sa makumpleto na ng CESU ang mga ‘testing’ at ‘containment measures.’

Pinayuhan naman ng bise-alkalde ang publiko na manatiling kalmado at mapagbantay habang patuloy na nilalabanan ang COVID-19.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with