^

Police Metro

PECO dapat nang umalis sa Iloilo City

Pang-masa
PECO dapat nang umalis sa Iloilo City
Sinabi ni Iloilo Economic Development Foundation (ILEDF) Executive Director Francis Gentoral na kumpiyansa na ang mga business leaders sa pamamalakad ng bagong distribution utility na More Electric and Power Corp. (MORE Power) sa mga inilatag umano nitong modernization program na popondohan ng P1.8-B ay tiwala silang magkakaroon na ng maayos na electricity service na hindi nagawa sa ilalim ng pamamahala ng PECO.
STAR/File

Pakiusap ng business at transport leaders…

MANILA, Philippines — Nakikiusap na ang mga business at transport leaders sa Panay Electric Company (PECO) upang maiwasan ang tensyon at tuluyan nang maayos ang power supply sa Iloilo City ay dapat nang tanggapin na hindi na sila ang  distribution utility sa lungsod at mag-move on para na rin sa ikabubuti ng mga consumers.

Sinabi ni Iloilo Economic Development Foundation (ILEDF)  Executive Director Francis Gentoral na kumpiyansa na ang mga business leaders sa pamamalakad ng bagong distribution utility na More Electric and Power Corp. (MORE Power) sa mga inilatag umano nitong modernization program na popondohan ng P1.8-B ay tiwala silang magkakaroon na ng maayos na electricity service na hindi nagawa sa ilalim ng pamamahala ng PECO.

Anya, sinasamantala ng PECO ang pagpapalabas ng negatibong write up ukol sa More Power dahil sa nararanasang brownout, subalit sa kanilang panig umano ay naiintindihan nila na ang power interruption ay resulta lamang ng ginagawang comprehensive preventive maintenance o pagpapabuti ng pasilidad.

Ikinatuwa din ng ILEDF ang sistema ng paniningil sa kuryente ng More Power na per kilowatt hour (KWh) rate na mababa sa P10 ang singil sa kanila kumpara noon sa PECO na may pinakamataas na power rate sa buong bansa.

Iginiit ni Gentoral na hindi na dapat habulin pa ng PECO ang kanilang negosyo sa Iloilo dahil mismong mga consumers na ang umayaw dito, nakita umano ng mga residente sa ilang buwan pa lamang na pagseserbisyo ng More Power ang pagtugon nito sa mga problema partikular sa pagnanakaw ng kuryente, fire prevention at overall improvement sa serbisyo nito

Nagpahayag rin si Iloilo City Loop Alliance of Jeepney Operators and Drivers Association (ICLAJODA) president Raymundo Parcon na  nakikita nila ang upgra­ding sa mga substations at distribution lines na ginagawa ng More Power taliwas sa alegasyon ng PECO na ang nararana­sang brownout ay dahil sa kawalang karanasan ng bagong power company.

Aminado si Parcon na mula nang itakeover ng More Power ang pagsusuplay ng kuryente sa Iloilo City ay nakita nila ang malaking kaibahan ng serbisyo nito kumpara sa PECO.

vuukle comment

PECO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with