Kung sakali naman na magpumilit ang COVID-19 patient na mag-home quarantine ay may kapangyarihan ang pamahalaan na dalhin sila sa isolation center dahil ang COVID-19 ay isang communicable disease at para ito sa kalusugan ng publiko.
Release / Department of Public Works and Highways
Malacañang: Walang house-to-house search ng COVID-19 patients
Malou Escudero (Pang-masa) - July 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang probisyon ang pamahalaan na magsagawa ng basta-bastang “house-to-house” search para sa COVID-19 patients.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang mga susunduin sa bahay ay mga CO­VID-19 positive patients na inireport na ng kanilang pamilya o miyembro ng komunidad o mismo ng local government units.

Ang mga reported patients ay ililipat sa mga government quarantine facilities kapag hindi sila qualified sumailalim sa home quarantine.

Aniya, tila ginagamit na naman umano ng mga kritiko laban sa pamahalaan ang mahalagang polisiya ng contact-tracing.

Sa kabilang dako, hinikayat ni Sec. Roque ang mga symptomatic patients at mga mild cases na bo­luntaryo nang i-report ang kanilang sarili at magpa-isolate dahil air-conditioned naman ang mga centers, libre ang pagkain, alaga ng mga doctor at nurse at may free- Wi-Fi.

Kung sakali naman na magpumilit ang COVID-19 patient na mag-home quarantine ay may kapangyarihan ang pamahalaan na dalhin sila sa isolation center dahil ang COVID-19 ay isang communicable disease at para ito sa kalusugan ng publiko.

Kaya nga ang apela ni Sec. Roque sa publiko ay huwag ng gawing ma­laking isyu ang naturang polisiya lalo’t marami nang pag-aaral ang nagsabing nag-mutate na ang virus at mas naging lalong nakakahawa.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with