^

Police Metro

Kulong, multa sa paulit-ulit na kanselasyon ng order

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang proteksyunan ang mga rider na sumasagot sa gastos ay isang panukalang batas ang isinusulong ni Senador Lito Lapid na  parusahan ang paulit-ulit na nagkakansela ng food at grocery deliveries.

Layon ng Senate Bill 1677 na ikulong ng isang buwan at isang araw hanggang anim na buwan ang mga kostumer na nahatulan para sa pagkansela ng mga order ng nasa tatlong beses sa isang buwan at dapat ding pagmultahin ang mga ito nang hindi lalagpas sa P100,000.

Mandato rin sa panukalang magkaroon ng reimbursement scheme ang delivery service providers na mangangalaga sa kanilang mga rider at driver, sa oras na kanselahin ang mga bayad na order.

Pagmumultahin ng hindi lalagpas sa P500,000 ang hindi makagagawa nito at doble sa halaga ng unreimbursed payment ng kanilang partner delivery personnel.

Ayon kay Lapid, inihain niya ang panukala dahil umuunlad ang delivery industry sanhi ng “stay at home” protocols sa bansa.

“Kaya para masiguro na hindi na sila maloloko pa ng mga biglaang pagkansela ng order, dapat masiguro na ang mga umoorder ay magbibigay ng totoong pangalan at address,” dagdag pa nito.

vuukle comment

LITO LAPID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with