^

Police Metro

Duterte kay Sara:‘Wag kang magpresidente

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte kay Sara:�Wag kang magpresidente
Ito ang naging payo muli ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara “Inday” Duterte sa kanyang talumpati sa Jolo, Sulu.
Hugpong FB Page/File

MANILA, Philippines — “Huwag ambisyunin na maging presidente ng bansa.”

Ito ang naging payo muli ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara “Inday” Duterte sa kanyang talumpati sa Jolo, Sulu.

“Sabi ko sa anak ko, kay Inday, ano -- sabi ko, ‘Day, p***** i** ‘wag mong pasukin ‘yang trabaho na ‘yan. Wala ka talagang makuha diyan, pagod lang,” ani Duterte.

Binanggit din ng Pa­ngulo na kung tutuusin ay mas malaki pa ang suweldo ng ilang heneral kaysa sa kanya.

“Suweldo mo PHP194,000. Ang ibang generals dito mas malaki pa sa suweldo ko, totoo lang,” ani Duterte.

Pero, binanggit din ni Duterte na sinabihan niya si Sara na puwede lang nitong isulong ang pagtakbo bilang presidente kung magseserbisyo para sa bayan.

“Sinabi ko kay Inday ‘wag kang mag-presidente unless you see something na kaya mo para gawain mo sa bayan...Unless you are driven by patriotism. O ‘yan, kung gusto mo talaga mag-service sa bayan mo, ah sabi ko -- kaya sabi ko sa kanya in English they say, ‘if you cannot stand the heat in the kitchen, get out,’” anang Pangulo.

Nilinaw naman ni Pre­sidential Spokesperson Harry Roque na nais lamang sabihin ng Pangulo na “thankless job” ang trabaho ng presidente.

“Malinaw naman po ang palaging sinasabi ni Presidente kay Mayor Sara, talagang it’s a thankless job. It’s all sacrifice, walang return and ayaw niya na ganiyan iyong buhay ng kaniyang anak ‘no. So he’s saying it’s the most thankless job in the country and he has said that consistently,” paglilinaw ni Roque.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with