^

Police Metro

Dine-in capacity sa resto pinalawig ng DTI

Danilo Garcia - Pang-masa
Dine-in capacity sa resto pinalawig ng DTI
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, papa­yagan ng bagong alituntunin ang mga kainan na nag-o-operate sa ge­neral community quarantine areas na buksan ang mas maraming mesa sa mga kakain hanggang 50 por­syento ng orihinal na kapasidad nito, mas mataas sa 30 porsyentong limit noong Hunyo 21.
PCOO

MANILA, Philippines — Simula sa Hulyo 21 ay maaari nang tumanggap ng mas maraming kostumer na kakain sa mga restaurant at iminumungkahi rin ng Department of Trade and Industry (DTI) na palawigin ang curfew hours upang payagan ang mas mahabang operasyon.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, papa­yagan ng bagong alituntunin ang mga kainan na nag-o-operate sa ge­neral community quarantine areas na buksan ang mas maraming mesa sa mga kakain hanggang 50 por­syento ng orihinal na kapasidad nito, mas mataas sa 30 porsyentong limit noong Hunyo 21.

Para sa mga lugar sa modified GCQ, itinaas sa 75 porsyentong kapasidad ang limitasyon simula sa susunod na Martes.

Ani Lopez, tugon ito sa mga petisyon mula sa mga may-ari ng negosyo upang makatanggap ng mas maraming kakain at payagan ang break even.

Iniulat din ng DTI chief na nakapagtatala ang mga kainan ng 90 hanggang 100 porsyentong pagtalima sa minimum health standards ng mga otoridad, kagaya ng pagkakaroon ng masks, temperature checks, health declaration forms para sa mga kostumer at kinakailangang spacing o barrier na naghihiwalay sa mga kumakain at sa iba pang mesa.

Umapela si Lopez sa lokal na pamahalaan na ikonsidera ang pagluluwag ng curfew hours sa alas-12 ng madaling araw upang payagang magbukas ang mga kainan upang tanggapin ang mas maraming kakain at makarekober ng kita.

vuukle comment

DTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with