Ulo ng anak, pinasabog ng ama
Victor Martin (Pang-masa) - July 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sabog ang ulo at namatay noon din ang isang 29-anyos na lalaki nang sumpakin sa ulo ng sariling ama sa gitna ng kanilang pagtatalo, kamakalawa sa Cordon, Isabela.

Ang nasawi ay kinila­lang si Nikko Jay Agustin, ng Centro 1, San Guil­lermo, Isabela habang ang suspek naman ay ang ama nito na si Eusebio Agustin, 78, ng Purok 1 Calima Turod, Cordon sa nasabing lalawigan.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang krimen noong Sabado ng umaga ay nagtungo ang biktima para kunin sana sa ama ang dokumento ng alagang baka.

Subalit, ayaw umano itong ibigay ng ama na naging dahilan para mauwi sa mainitang pagtatalo ang mag-ama hanggang sa kunin ng anak ang isang sumpak at itinutok sa una.

Nag-agawan ang mag-ama sa sumpak hanggang makuha ng suspek ang baril at ipinutok ito sa ulo ng kanyang anak na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Ang suspek ay boluntaryong sumuko sa pulisya.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with