2 opisyal ng pulis sa Masbate, timbog sa entrapment
Jorge Hallare (Pang-masa) - July 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na nakapalag ang dalawang opisyal ng pulis­ya nang sila ay arestuhin ng kanilang mga kabaro sa isang entrapment operation matapos tanggapin ang pera na kanilang hinihingi sa isang negosyante sa loob ng Maritime Police Station sa Masbate City, Masbate.

Ang dalawang naarestong suspek ay kinilalang sina P/Major John Murray Cutaran, 37, provincial officer ng 502nd Maritime Police Station at P/SSg. Romel Naval, 38.

Pinaghahanap ang da­lawa nilang kasama na sina P/Lt. Melecio Huelva lll, deputy provincial officer at P/SSg Ronald Puerto.

Bago ang pag-aresto ay inireklamo ang apat na maritime police nang pa­ngongotong ng isang Donato Villaceran, ng Brgy. Punta Princesa, San Remegio, Bantayan Island, Cebu.

Hinihingan umano ng mga suspek ang operator ng F/B RAV ng P400,000 kapalit ng pag-release ng fishing vessel at 28-crewmembers nang dinakip nina Cutaran dahil sa aku­sasyong iligal na pa­ngingisda.

Kaya’t nagsagawa ng entrapment operation, alas-8:25 ng umaga ang mga tauhan ng Integrity Monito­ring Enforcement Group ng PNP, Special Action Force, Regional Intelligence Unit 7 ng Cebu at Masbate City Police sa pangunguna ni Major Steve Dela Rosa at nang tanggapin ang isang ecobag na naglalaman ng P200-libong pisong boodle money.ay inaresto na ang mga ito.

Agad namang pinasisibak ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Archie Francisco Gamboa ang mga nasabing pulis na nahaharap sa robbery-extortion.

“Those who were caught sa maritime for extortion, they should also be dismissed in 15 days,” saad ni Gamboa sa press briefing.

Ayon sa PNP chief, nagpapatupad na ng dismissal ang organisasyon sa mga “rogue cop” mula sa serbisyo sa loob ng 15 araw.

PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with