Sinabi ni Atty. Aaron Pedrosa,abogado at secretary general ng Sanlakas, ang kanilang inihain sa Supreme Court ay Petition for Certiorari and Prohibition at kabilang sa respondents ay sina Pangulong Rodrigo Duterte, Armed Forces of the Philippines, Senado at Kamara.
STAR/Michael Varcas, file
Anti-Terrorism law, ’di tinantanan sa SC
Danilo Garcia (Pang-masa) - July 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi napigilan ng ulan ang grupong Sanlakas na dumayo sa Korte Suprema para maghain ng petisyon laban sa Anti-Terrorism Law.

Ito na ang ikawalong petisyon sa Mataas na Hukuman kontra sa kontrobersyal na batas.

Sinabi ni Atty. Aaron Pedrosa,abogado at secretary general ng Sanlakas, ang kanilang inihain sa Supreme Court ay Petition for Certiorari and Prohibition at kabilang sa respondents ay sina Pangulong Rodrigo Duterte, Armed Forces of the Philippines, Senado at Kamara.

Hiling ng Sanlakas sa mga mahistrado ay maglabas ng Temporary Restraining Order o TRO laban sa Anti-Terrorism Act, na nakatakdang ipatupad sa Hulyo 19, 2020, at ideklara ang batas na “unconstitutional.”

Sinabi naman ni Manjette Lopez, na national president ng Sanlakas, nakikiisa sila sa iba pang mga grupo na kumukwestyon sa naturang batas na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Marami aniyang kwestyonableng probisyon sa Anti-Terrorism Law, gaya ng depensiyon ng terorismo na makakasagasa sa karapatan ng maraming grupo o indibidwal gaya ng right to defend.

ANTI-TERRORISM LAW
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with