Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque para sa pinal na rekomendasyon sa Pangulo, ang magiging pagbabago sa mga umiiral na klasipikasyon ng qua­rantine sa iba’t ibang lugar sa bansa.
STAR/File
Duterte iaanunsyo bukas ang bagong quarantine protocols
Malou Escudero (Pang-masa) - July 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Posible pong Miyer­kules maanunsyo ang classification dahil meron pa pong last meeting ang IATF bukas po araw ng Tuesday para sa final re­commendation sa Presidente”.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque para sa pinal na rekomendasyon sa Pangulo, ang magiging pagbabago sa mga umiiral na klasipikasyon ng qua­rantine sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Anya, bagaman at wala pang desisyon ang Pa­ngulo, ikokonsidera pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon ng COVID-19 at hindi na dapat umasa ang Metro Manila na magluluwag ang qua­rantine dahil sa lumalabas na data na patuloy ang pagtaas.

Aminado naman si National Task Force (NTF) Covid-19 chief implemen­ter Sec. Carlito Galvez Jr., na nakita nila na may mga ospital sa Maynila na napupuno na ng mga pasyente.

Sa kabilang dako, si­nabi naman ni DOH Undersecretary Bong Vega na nakamonitor sila sa mga ospital sa Metro Manila ganundin sa Cebu sa gitna na rin aniya ng pagdami ng severe at moderate patients na nagpapa-admit.

Related video:

HARRY ROQUE IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with