^

Police Metro

COVID-19 cases posibleng umabot sa 80K

Angie dela Cruz, Danilo Garcia - Pang-masa
COVID-19 cases posibleng umabot sa 80K
“Asahan talaga nating lalong dadami ang cases and ang problem diyan is hindi lang sa NCR. Madadamay na ulit ang Calabarzon, and maybe even Central Luzon kasi hindi namomonitor masyado ang borders natin under GCQ (general community quarantine) and MGCQ (modified general community quarantine),” aniya.
AFP/Michael Dantas

Sa pagtatapos ng Hulyo…

MANILA, Philippines — Inihayag ng isang eksperto mula sa University of the Philippines Institute of Mathematics na si UP professor Dr. Guido David na posibleng umabot sa 80,000 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa sa pagtatapos ng Hulyo.

“Tatama talaga ng 70,000 and higit pa. Ang lower estimate natin ngayon nasa 80,000 na eh, sa end of July. ‘Yung 70,000 talagang lalampasan na natin,” ayon kay David.

Noong nakaraang linggo, tinataya ng grupo ni David na hanggang 70,000 ang kasong maitatala sa pagtatapos ng Hulyo at 100,000 sa pagtatapos ng susunod na buwan.

Nakitaan umano ng “genuine surge” sa pagtaas ng kaso ang National Capital Region sa mga nakalipas na araw kagaya ng ipinakikita sa datos gamit ang mga indikasyon kagaya ng positivity rate, hospitalization rate, at bilang ng kaso.

 “Asahan talaga nating lalong dadami ang cases and ang problem diyan is hindi lang sa NCR. Madadamay na ulit ang Calabarzon, and maybe even Central Luzon kasi hindi namomonitor masyado ang borders natin under GCQ (general community quarantine) and MGCQ (modified general community quarantine),” aniya.

Ayon pa kay David, hindi inirerekomenda ang paglipat ng Metro Manila sa MGCQ at iginiit nitong nagsisilbing barometer ang trend analysis para sa susunod na gagawin ng mga nagdedesisyon.

“Hindi namin nire-recommend ang MGCQ dahil malapit nang mapuno ang mga hospital natin and ayaw natin ma-overwhelm sila,” saad nito.

Maaaring manatili ang rehiyon sa GCQ o ibalik sa mas mahigpit na uri ng community quarantine kung kakayanin pa ng ekonomiya ang impact nito.

Hanggang Hulyo 13, umabot na sa 57,006 kumpirmadong kaso ng CO­VID-19 ang Pilipinas kung saan 1,599 ang nasawi at 20,371 ang naka­rekober.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with