^

Police Metro

3 drug pusher patay sa shootout

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong drug pusher ang nasawi nang manlaban umano ang mga ito sa magkahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan ng Camarines Norte at Camarines Sur kahapon.

Sa Camarines Norte, napatay sina Erwin “Bentong” Albis, residente ng Purok-4, Brgy. Parang at Randy “Bagsik” Furiscal, residente ng Brgy. Sta. Cruz kapwa sa bayan ng Jose Panganiban ng lalawigan.

Sa ulat, alas-12:20 ng madaling araw, nagkaroon ng transaksyon ang mga suspek at poseur buyer sa Purok--6, Brgy. Luklukan at nang magkaabutan ng droga ay pumalag ang dalawa sa aarestong mga pulis at bumunot ng baril at pinutukan ang mga pulis.

Agad namang gumanti ang mga nakatagong ope­ratiba mula sa Regional Drug Enforcement Unit 5, Regional Mobile Force Batallion, Camarines Norte Provincial Police at Jose Panganiban Police at napatay ang dalawang suspek na nasamsam ang dalawang kalibre 45 baril, isang ma­laking sachet ng shabu at motorsiklong ginamit sa iligal na transaksyon.

Patay rin si Rodel Llona, ng bayan ng Gainza, Camarines Sur na itinutu­ring na Top 4 sa regional recalibrated database ng mga drug personalities sa Bicol nang pumalag at nagtangkang bumunot ng baril sa buy bust na inilatag ng mga kasapi ng drug at intelligence unit ng Police Regional Office 5, Camarines Sur Provincial Police at Naga City Police sa Zone-1, Boys Town, Brgy. Pacol, Naga City dakong alas-4:35 ng hapon.

Nakuha kay Llona ang isang plastic sachet ng shabu na may timbang na 25 gramo na nagkakahalaga ng 170 libong piso at kalibre 38 baril.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with