MRT-3 biyahe na uli sa limitadong kapasidad
Samantala, tuloy pa rin naman ang pag-deploy ng 90 bus ng MRT-3 Bus Augmentation Program na may 3-minute fixed dispatching interval, ngunit balik na ito sa regular na operating hours na 5:30 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi, sa North Avenue at Taft Avenue stations.
STAR/Michael Varcas, file
MRT-3 biyahe na uli sa limitadong kapasidad
Mer Layson (Pang-masa) - July 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Balik-operasyon nga­yong araw ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT) ay mayroong 12 train sets lamang ang bibiyahe.

Lalarga ang unang tren sa ganap na alas-5:30 ng umaga mula sa North Avenue station patungong Taft Avenue station.

Mahigpit ding ipatutupad ang contact tracing sa mga pasahero sa pamamagitan ng pagsusulat sa passengers health declaration forms bago sumakay ng tren.

Maaalalang sinuspinde ang biyahe ng MRT-3 mula July 7 hanggang 11 makaraang dumagsa ang empleyadong positibo sa COVID-19.

Samantala, tuloy pa rin naman ang pag-deploy ng 90 bus ng MRT-3 Bus Augmentation Program na may 3-minute fixed dispatching interval, ngunit balik na ito sa regular na operating hours na 5:30 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi, sa North Avenue at Taft Avenue stations.

Bilang karagdagan naman, 190 bus ang idedeploy sa ilalim ng EDSA Busway Service upang maghatid ng mga pasahero sa pagitan ng Monumento at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx).

MRT-3
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with