^

Police Metro

Pumanaw na COVID patients, puwede nang ilibing - DOH

Danilo Garcia - Pang-masa
Pumanaw na COVID patients, puwede nang ilibing - DOH
Ito ang sinabi ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nang bahagyang tumaas ang deathtoll sa mga pasyenteng tinamaan ng virus.
pna.gov.ph

MANILA, Philippines — Makaraan na hindi na makaya­nan ng mga cre­matorium ang pagdagsa ng mga labi na isinasailalim sa cremation ay maaari nang maili­bing ang mga pasyente na nasawi sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nang bahagyang tumaas ang deathtoll sa mga pasyenteng tinamaan ng virus.

Una nang naglabas ang pamahalaan ng panuntunan na kailangang mai-cremate ang mga bangkay ng mga nasa­wing pas­yente sa loob ng 12 oras at dahil sa pagdami ng mga nasasawi ay nagkakaroon na ng mahabang pila sa mga crematorium na kaya lamang magsagawa ng hanggang walong cremation kada araw.

Bukod pa na nagkakaubusan na rin umano ng suplay ng urno na pinaglalagyan ng abo ng nasawi.

Ngunit para maipa­tupad ang paglilibing, nagbigay ng ilang kondisyon ang DOH na dapat ay ‘double-sealed’ ang bag habang ang ataul ay selyado rin.

Kapag tuluyang na­ilibing ay hindi na ito maaaring hukayin pa kahit na ano pa ang dahilan.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with