^

Police Metro

ABC president sa Batangas itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bulagta ang pangulo ng Association of Brgy . Chairman (ABC) makaraang pagbabarilin sa loob ng kanyang SUV ng hindi pa nakilalang nag-iisang salarin sa Brgy. Poblacion, Ibaan, Batangas nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Senon Portugal na idineklarang dead-on-arrival sa Queen Mary Hospital dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat, alas-3 ng ha­pon habang nasa loob ng kaniyang Toyota Fortuner ang biktima nang lapitan ng salarin at pagbabarilin. Ang suspect ay nakita pa ng ilang bystanders sa lugar habang tumatalilis at sumakay sa getaway na motorsiklo. 

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa motibo ng krimen at sino ang responsible dito.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with