Pangalan ni DILG Usec. Malaya, ginagamit sa panghihingi ng donasyon
Pinapayuhan din ni Spokesperson Jonathan Malaya ang publiko na huwag i-entertain ang sinumang indibiduwal na nagpapakilalang siya o konektado sa kanyang tanggapan nang walang tamang beripikasyon.
STAR/Michael Varcas, file
Pangalan ni DILG Usec. Malaya, ginagamit sa panghihingi ng donasyon
Mer Layson (Pang-masa) - July 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon si Interior Usec. at Spokesperson Jonathan Malaya sa publiko, local government officials at mga pulis hinggil sa mga nakarating sa kanyang tanggapan na may ilang tiwaling indibidwal na gumagamit ng kanyang pangalan upang makapanghingi ng donasyon para sa umano’y mga programa at proyekto ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa kanyang advisory sa publiko, nilinaw ni Malaya na ang lahat ng komunikasyon ng DILG sa mga LGUs at iba pang departmento ay dumaraan sa official channels.

Pinapayuhan din ni Malaya ang publiko na huwag i-entertain ang sinumang indibiduwal na nagpapakilalang siya o konektado sa kanyang tanggapan nang walang tamang beripikasyon.

“The public is hereby informed that there are some individuals claiming to be me or somebody connected to my office calling or texting local government officials and police stations for purposes allegedly to make donations or seek the support of LGUs for supposed programs and projects of the Department, among others,” ani Malaya.

Nanindigan si Malaya na kailanman ay hindi kinukunsinti ng DILG ang anumang aksiyon ng sinuman na maglalagay sa kumpromiso ng integridad ng kagawaran.

Hinikayat din ng opis­yal ang publiko na huwag mag-atubiling isumbong ang mga naturang tiwaling indibiduwal.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with