^

Police Metro

Buong puwersa ng pulisya sa Cabugao at San Juan sa Ilocos Sur, sinibak

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinibak ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Archie Gamboa ang lahat ng pulis sa Cabugao at San Juan sa bayan ng Ilocos Sur kasunod ng pagsampa ng kasong kriminal sa dalawang pulis at dalawa pang iba kaugnay sa panghahalay sa isang 18-anyos at pagpatay sa 15-anyos na dalagita, kamakailan.

Ayon kay Ilocos Sur Police Provincial Director Colonel Ronald Tagao na nakatakdang isailalim sa retraining ang buong puwersa ng dalawang police station na nadamay sa kapabayaan na nauwi sa pagpatay ng riding in tandem sa dalagitang si Fabel Pineda noong Hulyo 2.

Pinatay si Pineda ma­tapos magsampa ng kasong panghahalay at pagmolestiya laban kina PSSgts. Randy Ramos at Marawi Torda ng Cabugao police station na sinampahan ng murder sa Department of Justice.

Kinasuhan naman  ng obstruction of justice si PSSgt. Merly Joy Pascua ng Women and Children’s Protection Desk ng Cabugao PNP na umano’y nagbalewala sa banta sa buhay ni Pineda.

Parehong kaso rin ang isinampa laban kay Barangay Chairman Rolando Quilala ng Brgy. Palting, Cabugao na umano’y ginawang tagapamagitan ng dalawang akusadong pulis upang aregluhin ng pera si Pineda.

Matatandaang di­nampot nina Ramos at Torda sina Pineda at 18-anyos nitong pinsan noong Hulyo 1 ng gabi sa kasong paglabag sa curfew at social distan­cing na galing sa isang birthday party sa bayan ng San Juan.

Sa halip na ihatid pauwi sa kanilang bahay ang mga dalagita ay dinala ang mga ito ng dalawang pulis sa isang beach resort kung saan hinalay nila ang 18-anyos habang si Pineda ay minolestiya.

vuukle comment

ARCHIE GAMBOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with