Bulacan drug bust:P6.8 milyon na halaga ng shabu nasamsam
Doris Franche, Omar Padilla (Pang-masa) - July 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang Intsik at isang Pinoy sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad at nasamsam ang tinatayang P6.8 milyon halaga ng shabu, kamakalawa ng gabi sa Northville, Brgy. Caysio, Sta. Maria, Bulacan.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) spokesperson Derrick Carreon ang mga suspek na sina  Zhicheng Lu, 43, ng Block 1, Lot 7 Camella Prominenza, Brgy. Pagal, Baliwag, at Feiyue Shi, 54-kapwa Chinese nationals at ang Pinoy na si Elgine Monzaga, 23, alyas Inday.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas 11:50 ng gabi nang maaresto ang tatlong suspek sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing barangay at nakum­piska ang nasa isang kilo ng shabu, cellphone, passport at sasakyan na ginamit.

Inihahanda na ng PDEA ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa tatlo.

BUY-BUST SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with