^

Police Metro

Quezon City Mayor Joy Belmonte, nagpositibo sa COVID-19

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na siya ay nagpositibo sa COVID-19 kaya’t agad pansamantalang ipinasara ang kanyang tanggapan at ang common areas sa QC Hall para sa disinfection.

“Nais ko pong ipaha­yag sa lahat ng aking minamahal na QCitizens na ako po ay nagpositibo sa aking huling COVID-19 test.Nagpapasalamat po ako na agad itong natuklasan.Sa ngayon, maayos po ang aking kalagayan at wala po akong nararamdamang ­anumang sintomas. Mahigpit ko pong sinusundan lahat ng qua­rantine protocols ng ating Department of Health at sinimulan na rin po ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (QC-ESU) ang contact tracing procedures,”pahayag ni Belmonte.

Hinala ni Mayor Belmonte na nakuha ang sakit mula sa mga ginagawang pagdalaw sa mga health center at ospital, special concern lockdown areas at mga komunidad para matiyak at malaman ang pangangailangan ng mga constituents.

“Sa simula pa lang, batid na naming posibleng mangyari ito. Pero hindi ko po ito pinagsisisihan. Inihanda ko na po ang aking sarili at buong puso ko po itong tinatanggap. Nangyari po ito sa kabila ng aking ibayong pag-iingat, pagsusuot ng face mask, madalas na pag­hugas ng kamay, at social distancing.  Kaya sana ay magsilbi itong paalala na ang COVID-19 ay tunay na isang kakaibang sakit na dapat pag-ingatan pa nang lubusan,” sabi pa ni Belmonte.

Bagama’t naka-qua­rantine, tiniyak naman ni Belmonte na patuloy ang serbisyo at mga gawain ng lokal na pamahalaan.

“Maraming salamat po, at asahan ninyong sa aking paggaling, muli po ninyo akong makakasama upang personal po akong makapag­lingkod sa inyo,” dagdag ni Belmonte.

vuukle comment

COVID-19

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with