^

Police Metro

Inflation rate noong Hunyo, tumaas sa 2.5%

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bahagyang tumaas ang naitalang inflation rate sa buwan ng Hunyo sa panahon na apektado ang ekonomiya ng bansa dahil sa ipinaiiral na lockdowns dulot ng Covid-19 pandemic.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat ito sa 2.5% na mas mataas kaysa sa 2.1 percent sa nagdaang buwan. Sinasabing ang mataas na gastos sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan ang isang ugat ng tumaas na gastusin ng taumbayan noong nagdaang buwan.

Sinasabing dahil nagbukas nang muli ang ekonomiya, madami naman ang nangangailangan sa sasakyan at sa aspetong ito ay lumaki ang gastusin ng mga obrero para makapasok sa trabaho kahit may transport protocols.

Inaasahan naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas na tataas pa ng  2.6 percent ang inflation sa 2021 dahil sa epekto ng pandemic at kailangang bumaba na ang bilang ng kaso ng Covid-19 para sumigla ang negosyo sa bansa.

vuukle comment

COVID-19

INFLATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with