^

Police Metro

Pinas, pumangalawa sa COVID-19 count sa Southeast Asia

Pang-masa
Pinas, pumangalawa sa COVID-19 count sa Southeast Asia
Sa bilang ng nasawi, Indonesia pa rin ang una sa listahan na may 3,241 at sinegundahan ng Pilipinas na may 1,303.Pumangatlo sa datos ang Pilipinas sa bilang ng nakarekober na may 12,185 kung saan na­nguna ang Singapore na may 40,441 at sinundan ng Indonesia na may 29,919.
AFP/Maria Tan

MANILA, Philippines — Sa inilabas na datos ng Johns Hopkins Coronavirus Resource Center ay pumangalawa na ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Southeast Asia.

Ito ay makaraang pumalo kamakalawa ng gabi sa 46,333 ang kabuuang kaso ng virus sa bansa na kung saan ay nangunguna naman ang Indonesia na may 64,958.

Subalit, kung aktibong kaso ang titingnan, nangunguna ang Pilipinas na may 32,845; sinundan ng Indonesia na may 31,798; at 4,516 naman sa Singapore.

Sa bilang ng nasawi, Indonesia pa rin ang una sa listahan na may 3,241 at sinegundahan ng Pilipinas na may 1,303.Pumangatlo sa datos ang Pilipinas sa bilang ng nakarekober na may 12,185 kung saan na­nguna ang Singapore na may 40,441 at sinundan ng Indonesia na may 29,919.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with