^

Police Metro

Mag-ama itinumba ng riding-in-tandem

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang mag-ama nang sila ay pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects habang pauwi lulan ng kanilang motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Daraga.Placer, Masbate kamakalawa ng hapon.

Ang mag-amang nasawi ay nakilalang sina Gil Jun-Jun Tatoy, 44; at Earl Jun Dong-Dong Tatoy, 24, pawang residente ng Brgy. Dalipe, Cawayan. Tinutugis na ang tumakas na gunmen na nakilalang sina Jimuel Dublin Naraja at Raymond Cueva Dosdos.

Sa ulat, alas-5:10 ng hapon, lulan ng kanilang motorsiklo ang mag-ama na minamaneho ng batang Tatoy pauwi sa kanilang bahay nang habulin sila ng mga suspek na lulan ng motorsiklo sa hindi malamang dahilan.

Nang abutan ang mag-ama ay nagkaroon umano nang pagtatalo hanggang nakitang pinagbabaril ng mga suspek ang mga biktima na agad namatay makaraang mapuruhan ng punglo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with