_pang-masa
^
Tutok COVID-19 ng BARRM exec pinuri ng frontliners
Ipinapakita ng mga health workers ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang sobre na nag­lalaman ng kanilang midyear bonus, clothing allo­wance at hazard pay na nangyari sa unang pagkakataon dahil sa liderato ni Safrullah M. Dipatuan.

Tutok COVID-19 ng BARRM exec pinuri ng frontliners

(Pang-masa) - July 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinuri ng mga frontli­ners sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mga accomplishment ni Minister Safrullah M. Dipatuan para mapagbuti ang health care system ng rehiyon sa gitna ng pandemic.

Kinilala nila ang commitment ni Dipatuan sa good governance and transparency na nagbigay-daan upang makatanggap ang mga rural health workers ng  midyear bonus, clothing allowance, at hazard pay sa unang pagkakataon.

“Facing the pandemic as frontliners, we were never failed by our beloved minister,” opisyal na pahayag ng frontliner mula sa Marawi City.

“The given allowances [inspire] us frontliners to work harder and give our best [to reciprocate] the hard work of our minister,” dagdag nila.

Nai-post ng Tamparan Rural Health Office sa Facebook ang mensaheng: “No words can explain our gratitude for having you as our leader especially in this trying times. [Receiving] our salaries is a big honor, but with midyear bonus and clothing allowance- wow! It’s something we never expected.”

Bukod sa bonuses at allowances ng mga healthcare workers, ipinatupad ni Dipatuan ang regularization ng daan-daang midwives na katuwang ng mga frontliners sa giyera laban sa Covid-19 kung saan nasagot ang problema sa kakapusan ng health workers sa mga barangay particular sa mga isla na sakop ng BARRM.

Pinanindigan ni Dipa­tuan ang garantiya na makakaabot sa kasuluk-sulukang komunidad ang karagdagang pondo para sa mga rural health workers.Noong nakaraang buwan, naglaan ng dagdag na P 10 milyon para sa provincial at city health offices bilang suporta sa health facilities’ operating expenses sa gitna ng COVID-19 crisis.

BARMM FRONTLINER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with